start your own blog now!
 
Read other blogs...

alamat ng unang tao sa buwan!!

alam nyo ba na pinoy ang unang tao sa buwan? paano nangyari?

About me

Blogger:
Name: kc makisig
kaya mo bang matulog ng 22hours and then magkakape pagkagising kasabay ng marlboro. wow! heavy dude! ibang klaseng euphoria. sige mga dude happy tripping lang ang madudumi at synthetic sa kanal pinupulot...

Contact me
My profile
Linkme
Subscribe to this blog

Links

Archives

today
February 2005

 

Counter

visited *loading* times

Saturday, 19 February 2005

nakatatak na sa kasaysayan ng tao na sina neil armstrong at mga tropa nya ang unang tao sa buwan. pero ang hindi naitala sa kasaysayan ay ang kamangha-manghang bagay na natuklasan nina neil sa pamamasyal nila sa buwan, dahil inilagay agad ng nasa sa confidential files nila ang natukalasan nila neil.

ang istorya...sa pamamasyal ng mga astronauts na ito, oriented sila na kumuha ng mga bagay sa buwan na maaring pag-aralan ng nasa para mapatunayang pwedeng mabuhay sa buwan. isa sa mga nakuha nila ay ang kumpol-kumpol na halaman na sa itsura pa lang ay siguradong katulad nd mga halaman sa mundo.

nang ibalik nila ang halaman at pag-aralan sa lab ng nasa, natukalasan na binhi ng santol ang nasabing halaman. pero imposibleng ito ay itinanim dahil magkakatabi ang tubo ng mga binhi. wala pang 1mm ang pagitan sa bawat binhi. dahil kung itop ay itatanim imposibleng mapagdikit ng ganito dahil malalaki ang buto ng santol.

itinago ng nasa sa dikta ng cia at imperyalistang estados unidos ang impormasyon sa pangambang magdadagsaan ang iba pang imperyalistang bansa na gumawa ng mga ekspedisyon patungong buwan para sa kapangyarihang pangekonomiya at politika. ngunit ang kailangang malaman ng nasa ay kung paano nailagay ang binhi ng santol sa buwan at kung sino ang responsable dito.

sa ibayo pang mga pagsasaliksik, natuklasan mula sa files ng international association of biologists na posibleng maitanim ang binhi ng santol ng dikit dikit kung dadaan sa proseso digestion ang buto at ang digested na buto ang itatanim sa lupa. parang ang ibon na kumain ng aratiles pag dinumi na niya ang aratiles kumpol kumpol ang tubo nito. pero maliliit na ibon lang ang kumakain ng prutas, kaya imposibleng malunok nila ang buto ng santol.

mula naman sa files ng nasa, natuklasan nila na sa tanay, rizal sa pilipinas, merong pagdiriwang ang mga magsasaka na may kasabay na ritwal na paramihan ng makakain na santol, sa kondisyon na dapat kasama ang mga buto sa lulonukin. pagtapos nito ay syempre magtatae ang mga kumain at may isang malaking compos pit na doon lang pwedeng tumae ang sumali. ang mananalo ay mabibigyan ng pagkakataon na humalik sa pinaka magandang dalaga sa buong bayan.

dinadaos ang pagdiriwang nito sa panahong ng pagtatanim ng santol, at ang mga ebak ng mga sumali ang ginagawa nilang binhi. progresibo ang pamamaraan na ito dahil sa ilang santol na isasakripisyo ng mga magsasaka, daang libong binhi ang tutubo!

ang lohika, walang ibang tao o hayop sa mundo ang may kakayanang lumunok ng buto ng santol maliban sa mga pinoy!!! kaya rocksteady dude!! 

pano naman napunta ang pinoy sa buwan...abangan ang part two...ang alamat ng  pagiibigan ni gilgamesh at ng diwata ng tanay, rizal!! cge salamat mga punks, keep on skanking!! 

posted by: kcboi23 at 07:14 | link | comments (11) |